Home NATIONWIDE Pagpapalabas ng medical result ni PBBM, itinanggi ng St. Luke’s

Pagpapalabas ng medical result ni PBBM, itinanggi ng St. Luke’s

300
0

MANILA, Philippines – Itinanggi ng St. Luke’s Medical Center (SLMC) noong Miyerkules na inilabas nila sa publiko ang mga resulta ng medikal na pagsusuri kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

Sa isang advisory sa Facebook, sinabi ng ospital na ang mga dokumentong kumakalat online ay “fake and falsified.”

“St. Luke’s Medical Center strictly upholds patient confidentiality and data privacy. Medical results are released only to the patient himself/herself through authorized and official hospital channels,” ayon sa pahayag.

Idinagdag ng ospital na ang anumang medikal na resulta na nakuha sa labas ng awtorisadong proseso ay itinuturing na “fraudulent” at ang pagbabahagi nito ay lumalabag sa batas sa privacy.

Pinayuhan ng SLMC ang publiko na maging maingat sa pagbabahagi ng hindi opisyal na impormasyon upang maiwasan ang pagkalat ng maling balita at posibleng legal na pananagutan.

Nauna ring sinabi ng Malacañang na peke ang kumakalat na dokumento tungkol sa kalusugan ni Marcos.

“The document being circulated is fake. It did not originate from any legitimate medical examination of the President and does not reflect his current health condition. The President is well, fully capable of discharging his official responsibilities, and continues to actively perform his duties,” ayon sa Presidential Communications Office.

Si Marcos ay inilagay sa obserbasyon sa SLMC sa Quezon City dahil sa diverticulitis, ngunit itinanggi ng Malacañang ang mga ulat na siya’y sasailalim sa operasyon. Santi Celario

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here