MANILA, Philippine- Ipagpapatuloy ng gobyerno na gawing mas ‘seamless at modernisado’ na transport system sa bansa.
“Our journey towards a more seamless and modernized public transportation system does not end here,” ang sinabi ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. matapos pangunahan ang inagurasyon ng Light Rail Transit 1 (LRT-1) Cavite Extension Project Phase 1 sa Parañaque City.
“We are committed to building station after station, reaching as far and as fast as our people’s needs dictate,” dagdag na pahayag ng Chief Executive.
May ilang importanteng railway projects ang kasalukuyang ginagawa ng pamahalaan.
Kabilang na rito ang Unified Grand Central Station, Metro Manila Subway Project, MRT-7, North-South Commuter Railway, MRT-4, Philippine National Railways South Long Haul, bukod sa iba pa.
Sa kabilang dako, tanggap naman ng Pangulo na maaaring hindi makumpleto sa ilalim ng kanyang liderato ang ilang nagpapatuloy na transport project, ang mga ito kasi ay mayroong long-term endeavors na-extend at lampas sa kanyang administrasyon.
“This is the nature of railway development and of any large-scale development: this is not a short-term endeavor. It requires patience, persistence, and passion and commitment that extends beyond immediate timelines,” ang sinabi ng Punong Ehekutibo.
Samantala, sa naturang event, pinangunahan din ni Pangulong Marcos ang unveiling ng marker ng Dr. Santos station sa Parañaque. Sumakay din ang Pangulo sa tren at bumaba sa Redemptorist-ASEANA station sa Pasay City. Kris Jose