Home NATIONWIDE Pagpapalawig ng legal assistance sa mga OFW aprub na sa Kamara

Pagpapalawig ng legal assistance sa mga OFW aprub na sa Kamara

MANILA, Philippines – Pasado na sa House of Representatives ang House Bill 9035 na naglalayong palawakin ang ibinibigay na legal assistance sa mga Overseas Filipino Workers(OFWs) sa ibang bansa.

Sa oras na maisabatas ay aamyendahan ng House Bil 9035 ang paggamit ng Legal Assistance Fund (LAF) at ng Agarang Kalinga at Saklolo Para sa mga OFWs na Nangangailangan (AKSYON) Fund na kapwa nasa pamamahala ng Department of Foreign Affairs (DFA) at Department of Migrant Workers (DMW).

“Our overseas Filipinos are our modern-day heroes. Their immeasurable contributions to our country, their families, and communities merit the utmost protection from the government. This measure aims to do just that: protect them at all stages of the legal proceedings, from investigation to trial proper and even after,” pahayag ni House Speaker Martin Romualdez.

Sa mga bansa na wala pang tanggapan ng DMW, ang DFA ang binibigyan ng mandato na palawigin ang legal at iba pang uri ng tulong sa mga OFW sa naturang mga lugar.

Para naman sa AKSYON Fund, inaamyendahan ng panukala ang Section 14 of RA 11641, o “Department of Migrant Workers Act,” para palawakin ang gamit ng AKSYON Fund para sa OFWs.

“The expenditures to be charged against the AKSYON Fund shall include the fees for the foreign lawyers to be hired to represent OFWs facing charges, expenses for the filing of labor and/or criminal cases against erring or abusive employers or other persons abroad, bail bonds to secure the temporary releases and other litigation expenses,” saad sa panukala.

Kung kinakailangan, ay gagawing exempted sa RA 9184 o Government Procurement Act ang pagkuha ng foreign legal counsel at paglalabas ng pondo para sa iba pang pangangailangan na nakasaad sa probisyon ng panukala. Gail Mendoza

Previous article60mm mortar round fragments narekober ng PNP sa Marawi blast
Next articleSC nag-isyu ng panuntunan sa paglalabas ng resulta ng 2023 Bar Exam, oath taking ceremony