Home NATIONWIDE 60mm mortar round fragments narekober ng PNP sa Marawi blast

60mm mortar round fragments narekober ng PNP sa Marawi blast

MANILA, Philippines – Narekober ng Philippine National Police (PNP) ang mga piraso mula sa 60mm mortar round sa Dimaporo Gymnasium sa Mindanao State University (MSU) sa Marawi City, lugar kung saan naganap ang pagsabog nitong Linggo habang nagdaraos ng misa na kumitil sa buhay ng apat katao.

“May na-recover po iyong Provincial Explosive K9 unit po ng BAR ng mga fragments po coming from 60mm mortar,” pahayag ni PNP spokesperson Police Colonel Jean Fajardo sa press briefing sa Camp Crame.

“Pero kung ano po ba iyong naging trigger ng device whether it is battery-operate or cellphone-operated ay binubuo pa nila iyong fragments doon po sa ginamit na improvised explosive device (IED),” dagdag pa niya.

Isa pa sa maituturing na ebidensya ay ang bag na pinaniniwalaang pinaglagyan ng IED patungo sa gym.

Ani Fajardo, tinitignan ng mga imbestigador ang bomb signature ng pagsabog upang matukoy ang posibilidad na sangkot sa pag-atake.

Aniya, positibong tinukoy ng mga saksi ang dalawang persons of interest mula sa mga larawan na ipinakita na sangkot sa mga dati na ring pambobomba sa lugar.

Nitong Lunes, sinabi ng Armed Forces of the Philippines na biniberipika na nila ang pag-ako ng terror group Islamic State na nasa likod umano ng pag-atake.

Tinitignan din ani Armed Forces of the Philippines (AFP) public affairs office chief Colonel Xerxes Trinidad ang posibilidad na kaugnayan ng Dawlah Islamiyah – Maute Group. RNT/JGC

Previous articleJones, Isabela idineklarang ‘insurgency free’ na
Next articlePagpapalawig ng legal assistance sa mga OFW aprub na sa Kamara