Home NATIONWIDE Pagpapalawig sa RCEP, VAT refund sa non-resident tourist nilagdaan ni PBBM

Pagpapalawig sa RCEP, VAT refund sa non-resident tourist nilagdaan ni PBBM

MANILA, Philippines – TININTAHAN ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., araw ng Lunes, Disyembre 9 ang batas na magpapalawig sa buhay ng Rice Competitiveness Enhancement Fund (RCEF).

Sa isinagawang ceremonial signing, pinirmahan din ni Pangulong Marcos ang VAT refund para sa mga non-resident tourists.

Sinabi ni Senate President Francis “Chiz” Escudero na sa pamamagitan ng paglagda sa Republic Act No. 120278 o Amendments to Agricultural Tariffication Act, makatatanggap ang mga local rice farmers ng higit na suporta mula sa pamahalaan dahil sa probisyon ng ‘farm machinery and equipment, libreng distribusyon ng high quality inbred certified seeds, at iba pang interbensyon.’

Pinalalawak din ng bagong batas ang buhay ng RCEF, na ang pagkukuhanan ay mula sa taripa na kinolekta mula sa rice importation, hanggang 2031.

Idagdag pa rito, ang pagtaas ng annual allocation sa RCEF ay itatatag, mula sa kasalukuyang P10 billion hanggang sa P30 billion hanggang 2031.

Sa kabilang dako, sa naging talumpati ni Pangulong Marcos, sinabi nito na sa pamamagitan ng RCEF, nagawa ng bansa na makapag-invest sa ‘high-quality seeds, mechanization, at pagsasanay ng mga lokal na magsasaka, isang hakbang na magga-garantiya na ‘they are equipped with the right skills and tools to increase productivity.’

”With the expiration of the original six-year plan for RCEF fast approaching, it became clear that we needed to extend and strengthen the program. And this is where this law comes in, extending the program to 2031, and significantly increasing its funding from the original P10 billion to P30 billion annually,” ang winika ni Pangulong Marcos.

”This will enable us to do much more for our farmers, ensuring that they have the resources that they need to succeed and to make the rice industry even more competitive,” aniya pa rin.

Tinuran pa ng Chief Executive na ang bagong batas ay maglalagay ng makabuluhang diin sa pagbabawas sa post-harvest losses.

”By preventing up to 375,000 tons of milled rice from being wasted annually, we can help feed an additional 3.4 million Filipinos each year for the next six years—improving food security and making rice more accessible to everyone,” ang sinabi ni Pangulong Marcos.

Ang pagpapalawak ng annual allocation ay magbibigay-daan para sa mga bagong inisyatiba gaya ng ‘soil health improvement, pest and disease management, pagtatatag ng solar-powered irrigation systems at maliit na water-impounding projects’ at maging ang pamamahagi ng composting facilities para sa biodegradable wastes.

Samantala, mapalalakas din ng bagong batas ang regulatory functions ng Department of Agriculture (DA) sa pamamagitan ng paglikha at pagpapanatili ng database para i-monitor ang rice reserves ng bansa.

Sinabi pa ni Pangulong Marcos na bibigyan ng kapangyarihan ang DA na gumawa ng kinakailangang aksyon para patatagin ang merkado, tiyakin na ang presyo ng bigas ay nananatiling ‘affordable at accessible’ sa bawat Filipino.

”Above all, this law empowers our farmers to thrive and to help our country secure a stable food supply. By increasing investments in agriculture, providing more resources, and creating a more competitive rice industry, we are laying the groundwork for a stronger, more self- sufficient Philippines,” ang tinuran ng Punong Ehekutibo.

Sa kabilang dako, sinabi ni Pangulong Marcos na ang VAT refund program para sa non-resident tourists ay dinisenyo hindi lamang para pasiglahin ang mas maraming gastos kundi para i-promote ang Pilipinas bilang isang ‘premier global shopping destination.’

Sa ilalim ng bagong batas, ang mga turista ay maaaring mag-refund ng VAT para sa mga goods o kalakal na personal na binili sa accredited retail outlets, iyon nga lamang dapat ayon sa batas ay ‘provided that these goods are taken out of the country within 60 days and meet a minimum transaction requirement of P3,000.’

”This initiative opens a new chapter in our tourism landscape, allowing the country to compete with other tourism markets that attract tourists who are eager to take home authentic, high-quality Filipino products,” ayon kay Pangulong Marcos.

Kumpiyansang ipinahayag ng Pangulo na ang positibong economic impact ng nasabing batas ay mahigit sa 30% increase sa tourist spending.

”This surge will benefit both large-scale industries and micro, small, and medium enterprises—an important pillar of our local economy,”ayon sa Pangulo.

Samantala, hinikayat naman ng Punong Ehekutibo ang Department of Finance (DoF) at Bureau of Internal Revenue (BIR) na gumawa ng implementing rules and regulations (IRR) para maging simple, accessible, at culturally inclusive ang proseso ng VAT refund.

Para naman kay Tourism Secretary Christina Frasco, ang bagong batas ay makapagbibigay ng mas maraming kita para sa Pilipinas, makatutulong ito sa mga maliliit na negosyo.

”Mas lalaki pa ‘yung income ng ating small and medium enterprises at mas dadami pa ‘yung trabaho para sa ating mga kababayan,” ang sinabi ni Frasco. Kris Jose