Home NATIONWIDE Pagpapalaya sa Tacloban 5 inihirit sa DOJ

Pagpapalaya sa Tacloban 5 inihirit sa DOJ

MANILA, Philippines- Kinalampag ng mga militanteng grupo ang DOJ para igiit ang pagpapalaya ng tinaguriang Tacloban 5.

Iginiit ng mga raliyista ang pagbasura sa mga kasong isinampa laban sa Tacloban 5 at pagpapalaya sa tatlo sa kanila na nananatili sa piitan.

Ang kaso ay nag-ugat sa umano’y illegal possession of firearms at terrorism financing na kinasangkutan ng mga akusado.

Nanindigan ang mga raliyista na gawa-gawa lamang ang mga kaso dahilan para mula noong Pebrero 7 2020, o eksaktong limang taon na ang nakalilipas, ay hindi maisulong ang mga kaso laban sa lima at mabagal din ang usad nito sa korte. Teresa Tavares