Home HOME BANNER STORY Nasitang election gun ban violators 691 na

Nasitang election gun ban violators 691 na

MANILA, Philippines- May kabuuang 691 indibidwal na ang naaresto sa paglabag sa election gun ban hanggang nitong Huwebes, ayon sa Philippine National Police (PNP) nitong Biyernes.

Sa update, sinabi ng PNP na karamihan sa mga nahuling suspek ay naiulat mula sa Metro Manila sa 206, sinundan ng Central Luzon sa 117 at Central Visayas sa 70.

Kabilang sa nahuling violators ay:

  • Isang PNP personnel

  • Anim na Armed Forces of the Philippines (AFP) personnel

  • Isang CAFGU Active Auxiliary

  • Tatlong tauhan mula sa ibang law enforcement agencies

  • 22 security guards

  • Isang election government official

  • Dalawang appointed government officials

  • Isang child in conflict with the law

  • Dalawang foreign nationals

  • 650 sibilyan

May kabuuang 692 baril ang nasabat mula sa violators kabilang ang 268 revolvers, 208 pistols, 33 gun replicas, 17 Class A guns, 13 explosives, walong rifles, anim na shotguns, at 138 iba pa.

Batay sa Comelec Resolution No. 11067, epektibo ang gun ban simula January 12 hanggang June 11 sa layunin kontra election-related violence.

Kasado ang eleksyon sa Mayo 12. RNT/SA