Home NATIONWIDE Pagpapalit ng liderato ng Kamara binanatan ni Paolo Duterte

Pagpapalit ng liderato ng Kamara binanatan ni Paolo Duterte

281
0

MANILA, Philippines – Binanatan ni Davao City 1st District Rep. Paolo Duterte ang planong pagpapalit kay Martin Romualdez bilang Speaker ng Kamara, at ang napipintong pag-upo ni Rep. Faustino “Bojie” Dy III para pumalit dito.

Ani Duterte, si Sandro Marcos umano ang pumili rito, na tinawag niyang isa na namang “cover-up move.” Si Marcos ay partymate sa Partido Federal at anak ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

Giit ng mambabatas, kung seryoso umano ang Pangulo na labanan ang korapsyon ay dapat itong maghain agad ng kaso laban sa mga tiwaling mambabatas at huwag umasa sa “iyak-iyak at bolahan.”

Dagdag pa, binatikos ni Duterte ang Pangulo sa apat na taon nito sa termino ngunit tila wala umano itong kaalaman sa korapsyon sa Kongreso kahit na Majority Leader ang anak nito.

Samantala, hinamon ni Duterte ang DPWH na ilabas ang kumpletong listahan ng mga proyekto sa lahat ng distrito para magkaalaman na.

“Tama na ang panloloko. Tigilan na ang palabas. Kung gusto niyong respetuhin pa kayo ng tao, harap-harapan n’yong labanan ang korapsyon — walang sacred cows, walang cover-up,” ani Duterte. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here