Home HOME BANNER STORY Badyet ng DPWH kasalukuyang ginigisa sa Kamara

Badyet ng DPWH kasalukuyang ginigisa sa Kamara

249
0

MANILA, Philippines – Naging bukas si Department of Public Works and Highways (DPWH) Secretary Vince Dizon sa mga kahilingan ng mga kongresista na tumanggap ng kapos na alokasyon sa mga flood control projects sa mga nagdaang taon.

Sa pagdinig ng House Committee on Appropriations ay naglabas ng hinanakit si Pampanga Rep. Anna York Bondoc dahil bagama’t nakakuha siya ng P1 bilyong alokasyon para sa kaniyang distrito na may sakop sa Candava Swamp na palagian na ang baha ay mas malaking pondo pa rin ang nakuhang alokasyon ng kaniyang mga katabing distrito gayung hindi naman ganoon kalala ang baha na dinaranas.

“Noong nagbibigayan po ng anomalous flood control iyong mga katabi ko po ay P9 B, P5 B, ako po ay P1 B lang. Our place is the most flooded province in the entire country,” ani York.

“Two years ago, nabaha ang NLEX because of our district again and it cause us for a 10-hour armagedon na baka ho marami sa inyo ang hindi nakapasok sa Pampanga. In terms of flood control some areas are going to affect the entire Metro Manila and as I mentioned it is really a national security problem kasi po main artery po ang nababaha,” giit ni York.

Humingi ng paumanhin ang kongresista na nadadamay ang NLEX sa baha subalit hindi rin bibigyan ng pansin ang malubha at palagiang baha sa kaniyang distrito.

“I am sorry that the NLEX was flooded. Pero I am also very happy that NLEX was flooded, bakit? Kasi kung kami lang ang nababaha, nobody cares pero kapag si NLEX ang nabaha ay nagwawala ang lahat.”

Sinundan ito ni Samar Rep. Reynolds Michael Tan kung saan ang pangunahin nitong inireklamo kay Secretary Dizon ay ang Maharlika Highways an tumatagos o dinadaan patungong Samar at Leyte at patungong Mindanao.

Siniguro naman ng kalihim na mabibigyan ng sapat na alokasyon ang naturang pagawain na mahigit isang taon ng pinagtitiisan ng mga taga-Samar.

Ang DPWH ay may pondong P881.313 bilyon subalit nang ipinabalik ng komite ang original na badyet sa NEP ay nabawasan na ito ng 28.99 percent o P28.99 bilyon kung kaya nating P625.785 bilyon na lamang ito.

Kinuwestyon din ni Tan bakit nabasawan pa ang alokasyon para sa naturang kalsada. Meliza Maluntag

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here