Home NATIONWIDE Panloloko sa proseso ng bidding sa ilang flood control projects ibinunyag ng...

Panloloko sa proseso ng bidding sa ilang flood control projects ibinunyag ng NBI

261
0

MANILA, Philippines – Ibinunyag ni NBI Director Jaime Santiago na ‘niloko’ ang proseso ng bidding para sa ilan sa mga flood control projects ng Department of Public Works and Highways (DPWH).

Sa press briefing, sinabi ni Santiago na humigit-kumulang pito o walo sa 15 mga kontratista na nakatanggap ng mayorya ng kabuuang badget para sa mga proyekto sa flood control ay may kaparehong mga opisyal.

Kabilang sa Top 15 ay ang Alpha & Omega Gen. Contractor & Development Corp. at ang St. Timothy Construction Corporation na parehong inamin ni Sarah Disaya na kanilang pag-aari.

Aniya, inipon na ng NBI ang mga nakalap na impormasyon na isusumite sa Department of Justice.

Samantala, sinabi ni Santiago na lumikha rin ang Justice Department nf Public Works Corruption and Bid Rigging Task Force. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here