Home NATIONWIDE Pagpapalit sa ‘Mt. Kamuning’ footbridge papaspasan ng DOTr

Pagpapalit sa ‘Mt. Kamuning’ footbridge papaspasan ng DOTr

270
0

MANILA, Philippines- Umaasa ang Department of Transportation (DOTr) na masimulan ang konstruksyon ng bagong daan sa kahabaan ng EDSA sa loob ng anim na buwan, na papalit sa kontrobersyal na “Mt. Kamuning” footbridge.

Ipinaliwanag ni DOTr Secretary VInce Dizon na isinaalang-alang ang proyekto bilang ’emergency’ matapos sabihin ni Pangulong Marcos na ang footbridge ay hindi katanggap-tanggap.

Ayon kay Dizon, kahit naantala ang pagsasaayos sa EDSA, itutulak pa rin ang agarang konstruksyon ng bago at modernong bridge way.

Ang footbridge ay itinayo ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA). Sa ngayon, ang DOTr ang gagastos sa konstruksyon para mapalitan ang nasabing tulay. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here