Home ENTERTAINMENT Paolo, iwas pag-usapan si Yen!

Paolo, iwas pag-usapan si Yen!

Manila, Philippines – Obyus na nasa moving on phase na si Paolo Contis mula sa relasyon nila ni Yen Santos.

Let’s face it, kahit wala namang confession mula sa kanila–the fact remains na naging sila.

‘Yun nga lang, as the song goes: some good things never last.

Hanggang lately nga’y nabalitaan na lang natin ang panunumbalik ng magandang pigura ni Yen.

She’s back in her shapely self, earning her a renewed sense of confidence.

Pero tungkol man sa pagpapayat ni Yen ay ayaw pa rin itong pag-usapan ni Paolo.

When interviewed on a radio program over DZRH, nagpalusot na lang si Paolo na: “Choppy ka, choppy ka!”

Dedmang kunwari y pangit ang signal sa airwaves.

“Basta masaya ako ngayon sa trabaho ko, huwag n’yo nang dinadala ang usapan sa kung saan-saan,” sey niya sa radio anchor.

Ang mahalaga raw, he’s working on improving himself in all aspects of his life.

So far, maganda naman daw ang resulta–meron siyang film assignments, two regular TV shows at iba pang raket.

Samantala, Paolo is attending to his sick mom who he visits often lalo’t libre from showbiz commitments. Ronnie Carrasco III