SEOUL, South Korea- Inihayag ng main opposition party ng South Korea nitong Linggo na muli nitong susubukang patalsikin sa pwesto si President Yoon Suk Yeol matapos ang deklarasyon nito ng martial law.
Samantala, inaresto ng mga pulis ang defense minister na nangasiwa sa martial law operation, at bumaba naman sa pwesto ang interior minister. Iniimbestigahan sila kasama si Yoon dahil sa umano’y insurrection.
Nakailag si Yoon sa impeachment nitong Sabado sa gitna ng pagtutulak na patalsikin siya sa pwesto.
Tinutulan ng oppposition parties ang impeachment motion, na nangailangan ng 200 boto sa 300-member parliament upang makapasa, subalit kinontra ito ng boycott ng halos kabuuan ng mga miyembro ng People Power Party (PPP) ni Yoon.
Sinabi ni Lee Jae-myung, pinuno ng main opposition Democratic Party (DP) nitong Linggo na susubukan nilang muli sa Disyembre 14.
“Yoon, the principal culprit behind the insurrection and military coup that destroyed South Korea’s constitutional order, must either resign immediately or be impeached without delay,” giit ni Lee.
“On December 14, our Democratic Party will impeach Yoon in the name of the people.” RNT/SA