Ito ang tema at lohika ng muling pagkandidato ng mga halal na opisyal na magkakamag-anak sa Metro Manila.
Sa Southern Metro Manila na naghain ng kanilang certificates of candidacy naroon ang magkapatid na Calixto – Mayor EMI at Congressman Tony; sa Taguig naman ay mga Cayetano – Mayor Lani, Congressman Lino, at Senator Pia Cayetano; Makati -Mayor Luis Campos at Senator Abby Binay (Campos); Mayor Edwin at Congressman Eric Olivares ng Parañaque; at mayor April at Vice Mayor Imelda Aguilar ng Las Piñas.
Ang pinagkahawig ng mga kandidato sa pag-file ng COC nila ay ang dami ng mga supporter na lumahok.
Namukod tangi ang Las Piñas sa haba at dagsa ng mga supporters nina Mayor April at Vice Mayor Imelda Aguilar.
Napuno ng kanilang supporters ang buong complex ng City Hall hanggang sa magkabilang panig ng national road dahil suportado umano nila ang programa de gobyerno ng mag-iinang Aguilar.
Sa paliwanag ni outgoing Mayor Aguilar sa nakita at tinanggap na suporta: ” Malaki ang pagpapalakas natin ng serbisyong pangkalusugan ng Green Card Program, at pagtatayo ng College of engineering ng Dr. Filemon Aguilar Memorial College,” sabi ni Mel Aguilar.
“Aking layunin na palakasin pa ang mga programa sa edukasyon, kslusugan, at kaligtasan. Makikipagtulungan tayo sa MMDA at DPWH upang tugunan ang problema sa trapiko at baha,” sabi ni candidate mayor April Aguilar.
“Aking isusulong mga programang tutugon sa trabaho at edukasyon. Reclamation na magdudulot ng maraming trabaho, sapat na pondo as ambisyosong imprastraktura at dagdag na budget para sa mga pangunahinf serbisyo, “sabi naman ni Alelee Aguilar na tatakbong konsehal sa unang pagkakataon sa 1st district. (Dave Baluyot)