Home NATIONWIDE Mga Pinoy sa Israel, Lebanon nasa ligtas nang lugar – DMW

Mga Pinoy sa Israel, Lebanon nasa ligtas nang lugar – DMW

129
0

MANILA, Philippines – Halos 2,000 overseas Filipino workers (OFWs) sa Northern Israel ang inilipat sa mas ligtas na lugar habang mahigit 150 Pilipino ang inilikas sa tatlong magkakaibang shelters sa Lebanon.

Sinabi ni Department of Migrant Workers Secretary Hans Leo Cacdac na ang DMW ay nakikipag-ugnayan sa OFWs at patuloy na binabantayan ang sitwasyon.

Ang tatlong magkakaibang shelters sa Lebanon ay pinatatakbo ng DMW, ang Overseas Workers Welfare Association (OWWA), Philippine Embassy sa Israel, at ang Department of Foreign Affairs (DFA).

Samantala, sinabi ni OWWA Administrator Arnel Ignacio na ang repatriation efforts sa ilang lugar ay isinasagawa halos araw-araw upang maiuwi ang mga OFWs.

Sinabi ni Ignacio, na ang OWWA ay laging may paraan upang matulungan ang mga OFW na nangangailangan.

Pinayuhan ang mga Filipino sa Israel na iwasan ang ilang lugar sa Middle East kabilang ang bahagi ng Israel at Lebanon, dahil sa pagtaas ng tensyon sa lugar. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here