Home ENTERTAINMENT Martin, insecure sa mga baguhang singer!

Martin, insecure sa mga baguhang singer!

Manila, Philippines – To look forward to ang collab nina Martin Nievera at Ogie Alcasid.

Magsasanib puwersa ang dalawa at a concert produced by Ogie’ A Team at the Big Dome.

Ayon mismo kay Ogie, a total of 21 concerts ang naka-line up na ipoprodyus ng kanyang kumpanya.

Sa tagal ni Martin sa industriya, ilang beses na niyang napuno ang Araneta Coliseum.

Fact is, napuno nga ng kanyang recent The King Forever concert ang Araneta sa kabila ng kanyang takot.

With the influx kasi and the rise to fame ng mga baguhang singers ay aminado ang Concert King na ‘nai-insecure’ siya sa mga ito.

In fairness, it’s more of paghanga ang nararamdaman ni Martin para sa mga baguhang mang-aawit.

Tulad na lang ni KZ Tandingan who he admires for her singing style.

Sa kalibre nga ni Martin, hindi siya nangiming aminin na marami raw siyang matututunan sa kanyang kapwa The Voice judge.

Alam naman ng lahat, it’s one’s staying power that matters in showbusiness.

Kaya kaya nilang lampasan si Martin sa aspetong ito? Ronnie Carrasco III