Home NATIONWIDE Pagpapatuloy ng rally sa People Power Monument oks sa Kyusi

Pagpapatuloy ng rally sa People Power Monument oks sa Kyusi

261
0

QUEZON CITY, Philippines – Nag-isyu ang pamahalaan ng Quezon City ng permit sa United People’s Initiative (UPI) para ipagpatuloy ang rally nito sa People Power Monument sa EDSA ngayong Lunes.

Ang UPI, isang grupo ng mga retiradong opisyal ng militar, ay nagsagawa ng rally sa White Plains Avenue noong Linggo para manawagan ng hustisya at pananagutan sa gitna ng katiwalian sa gobyerno.

Kinumpirma nina Quezon City Police District (QCPD) Director Police Colonel Randy Glenn Silvio at Quezon City Traffic and Transport Management chief Dexter Cardenas na muling gaganapin ang rally sa Lunes sa EDSA People Power Monument mula alas-8 ng umaga hanggang alas-10 ng gabi ngayong Lunes.

Natapos ang rally noong Linggo ng alas-10 ng gabi. Nilinaw ni Cardenas na nananatiling sarado ang kahabaan ng White Plains malapit sa monumento at magbubukas muli ng alas-5 ng umaga upang makadaan ang mga motorista.

Ang rally ng UPI noong Linggo ay kasabay ng unang araw ng tatlong araw na rally ng Iglesia ni Cristo laban sa katiwalian sa Quirino Grandstand sa Rizal Park sa Maynila.

Ayon sa Manila Police District, tinatayang 650,000 katao ang nagpakita sa kaganapan ng INC na, sabi ng simbahan, nanawagan ng konkretong aksyon laban sa katiwalian sa gobyerno. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here