Home HOME BANNER STORY Pagpapatupad ng anti-political dynasty law sa 2028, suportado ng Comelec

Pagpapatupad ng anti-political dynasty law sa 2028, suportado ng Comelec

1
0

MANILA, Philippines – Muling nagpahayag ng suporta ang Commission on Elections (Comelec) sa pagpasa ng anti-political dynasty law at sinabing handa itong ipatupad sa 2028 elections kung maipapasa ng Kongreso.

Malugod na tinanggap ni Comelec Chairman George Erwin Garcia ang direktiba ng Supreme Court sa Kongreso na ipasa ang matagal nang nakabinbing batas, na bahagi umano ng mandato sa 1987 Constitution.

“Ang inyo pong Comelec ay consistent na sumusuporta sa pagpapasa ng anti-political dynasty law sapagkat diyan mismo ay mandato ng Korte Suprema,” pahayag ni Garcia.

Hiniling ni Garcia sa Kongreso na mapabilis ang pagpasa ng batas dahil sa nalalapit na paghahain ng Certificate of Candidacy para sa 2028 elections, na pansamantalang nakatakda sa Setyembre 20 hanggang 26 sa susunod na taon.

“Kaya nga lamang ang aming naging panawagan sa Kongreso baka pu-pwede kung may maipapasang batas, ‘yung mabilisan din o yung talagang kaagad. Kasi nga po next year filing na ng candidacy,” ani Garcia.

Ayon sa Comelec, kailangan pa nitong gumawa ng implementing rules and regulations (IRR), kaya dapat malinaw at detalyado ang batas upang maiwasan ang kalituhan sa pagpapatupad.

“Ang sabi pa natin, huwag ipagkatiwala kay Comelec lang, ‘yung mga specifics. Kinakailangan yung batas maliwanag na maliwanag na, malawak na malawak na at talagang punto por punto,” pahayag niya.

“The bill must be brief, broad, definite. Para wala na pong discretion halos kami when it comes to implementation. Dapat maging maliwanag,” dagdag ni Garcia.

Pag-aaralan din ng Comelec ang buong desisyon ng Supreme Court upang matukoy ang saklaw, limitasyon at mga gabay sa pagpapatupad ng magiging batas. RNT/MDS

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here