Home NATIONWIDE Pagpapatupad sa ‘no-build’ zone, paiigtingin ng PNP

Pagpapatupad sa ‘no-build’ zone, paiigtingin ng PNP

1
0

MANILA, Philippines – Nangako ang Philippine National Police (PNP) na tutulong sa pambansang pamahalaan at mga lokal na pamahalaan sa pagpapatupad ng mga no-build zone at batas laban sa mga istrukturang nagdudulot o nagpapalala ng pagbaha sa iba’t ibang lugar sa bansa.

Ito ay kasunod ng direktiba ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa lahat ng local government units (LGUs) na ipatupad ang no-build zones at umiiral na mga batas upang ilayo ang mga komunidad sa mga lugar na madaling bahain at iba pang danger zones bilang bahagi ng nationwide flood preparedness.

Nagbabala rin ang Pangulo laban sa pakikialam ng pulitika, paboritismo at korapsyon sa pagpapatupad ng mga hakbang na ito upang mapalakas ang kahandaan ng bansa sa mga panganib na dulot ng climate change.

Ayon kay PNP chief Gen. Jose Melencio C. Nartatez Jr., susuportahan ng pulisya ang mga LGU at concerned agencies sa legal na pagpapatupad ng no-build zones.

“The Philippine National Police will support local government units and concerned agencies in the lawful enforcement of no-build zones, particularly when police assistance is needed to maintain peace and order and ensure public safety,” ani Nartatez.

Binigyang-diin niya na magiging propesyonal at patas ang mga pulis sa kanilang tungkulin.

“Our police units will remain professional and impartial. We will perform our duties based on the law and will not allow political considerations to compromise public safety,” aniya.

Inatasan na rin ni Nartatez ang mga police commander na makipag-ugnayan sa mga lokal na awtoridad, bantayan ang mga danger zone at agad magbigay ng police assistance kung kinakailangan.

Hinimok din niya ang mga opisyal at residente na makipagtulungan sa mga hakbang ng pamahalaan upang mabawasan ang panganib sa mga vulnerable area.

“Our priority is to protect lives. We call on residents and local officials to comply with existing laws and safety regulations, especially in areas vulnerable to flooding and other hazards,” sabi ni Nartatez.

“We urge everyone to cooperate with lawful government measures. Prevention and preparedness are essential, and no political interest should come before the safety of our communities,” dagdag niya. RNT/MDS

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here