Home NATIONWIDE Pagpapauwi sa Pinoy crew ng lumubog na barko sa India pinaplantsa na

Pagpapauwi sa Pinoy crew ng lumubog na barko sa India pinaplantsa na

255
0

MANILA, Philippines- Kumikilos na ang Department of Migrant Workers (DMW) para sa agarang repatriation ng 20 Filipino seafarers na sakay ng lumubog na M/V MSC Elsa 3 sa karagatang bahagi ng southwestern India.

Kinumpirma ni DMW Secretary Hans Leo Cacdac sa isang pahayag na lahat ng Filipino crew members ay ligtas nang nanunuluyan sa hotel sa Kochi.

Ang DMW, sa koordinasyon ng Philippine Embassy sa New Delhi, local manning agency at principal ng barko sa India ay kumikilos para sa agarang pagpapauwi sa seafarers.

Nakikipag-ugnayan na rin ang DMW sa Office of Migration Affairs ng Department of Foreign Affairs na pabilisin ang proseso ng kanilang travel documents tulad ng kanilang pasaporte at seafarers registration cards na naiwan sa lumubog na barko.

Inatasan na rin ng DMW ang manning agency na tiyakin na ang pangunahing pangangailangan ng apektadong crew ay maibibigay dahil hindi na maaaring mahanap ang kanilang personal na gamit.

Patuloy namang iniimbestigahan ng awtoridad ang dahilan ng insidente habang tintiyak ang kapakanan ng mga crew. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here