Home NATIONWIDE Pagpaslang kay Johnny Dayang tinatalupan ng CHR

Pagpaslang kay Johnny Dayang tinatalupan ng CHR

MANILA, Philippines- Inihayag ng Commission on Human Rights (CHR) nitong Biyernes na naglunsad ito ng independent investigation sa pagpatay sa beteranong mamamahayag na si Juan “Johnny” Dayang.

Patay sa pamamaril si Dayang, dating alkalde ng Kalibo, Aklan at chairman emeritus ng Publishers Association of the Philippines Inc. (PAPI), sa loob ng kanyang tahanan noong Martes. Pumanaw siya sa edad na 89.

“The CHR vehemently condemns the brazen attack committed against Dayang… CHR has deployed a Quick Response Operation (QRO) Team to undertake an independent investigation,” anito.

Si Dayang ay dating presidente ng PAPI at dating publisher ng Philippine Graphic, maging kolumnista ng Manila Bulletin.

Hinimok naman ng CHR ang media practitioners “to promptly report any incidents of threats, harassment, or attacks through the Alisto! Alert Mechanism.” 

“This mechanism provides a direct channel for media professionals to raise concerns related to their safety and security.”

Sinabi ng Kalibo police na nanonood si Dayang ng telebisyon nang pagbabarilin ng hindi pa natukoy na suspek, na tumakas sakay ng motorsiklo.

Inaalam pa rin ang motibo sa likod ng pagpatay, base sa mga pulis. RNT/SA