Home NATIONWIDE Pagpataw ng withholding tax sa online sellers umpisa na

Pagpataw ng withholding tax sa online sellers umpisa na

152
0

MANILA, Philippines- Inihayag ng Bureau of Internal Revenue (BIR) na nagsimula na ang pagsingil ng withholding tax sa mga online sellers nitong Hulyo 15, 2024.

Ang nasabing pahayag ay matapos mag-expire noong Hulyo 14, 2024 ang extension sa pagpapataw ng withholding tax sa partner-merchants ng kanilang mga electronic marketplace operator sa ilalim ng Revenue Circular No. 55-2024.

“No more extensions will be given after the previous 90-day extension under RMC No. 55-2024,” sabi ni BIR Commissioner Romeo Lumagui Jr. sa kanyang pahayag.

“Electronic Marketplace Operators will begin imposing Withholding Tax against their sellers/merchants starting July 15, 2024. We have already extended this by 90 days. No further extensions will be given,” wika pa ng opisyal.

Nabatid na ang nakaraang pagpapalawig ay ibinigay bilang pagkilala sa pagsunod sa patakaran o mga kinakailangan ng iba pang mga ahensya ng gobyerno at upang bigyan ang mga apektadong partido ng pagkakataon na umangkop sa mga probisyon ng Revenue Regulation (RR) No. 16-2023 bago ang aktuwal na pagpataw ng withholding tax.

Sa ilalim ng RR No. 16-2023, kalahati ng kabuuang remittance ng e-marketplace operations at digital financial services providers sa mga nagbebenta o merchant para sa mga kalakal o serbisyong binayaran sa pamamagitan ng kanilang platform ay sasailalim sa 1% creditable withholding tax.

Para ulitin ang pagpataw ng withholding tax sa mga online merchant, naglabas ang BIR ng RMC No. 79-2024.

“Withholding Tax is not a new tax, it’s merely a system of taxation where taxes are collected at source, which will be credited against the total income tax liability of the sellers/merchants,” ani Lumagui.

“The BIR aims to level the playing field between brick-and-mortar stores, which are regularly complying with their tax obligations, and online market places. Whether their business is operated online or through physical stores, sellers and merchants have to pay their taxes,” dagdag pa ng opisyal.

Ang withholding tax ay ang halagang pinigil ng isang negosyo sa mga pagbabayad ng mga produkto o serbisyo na direktang ipinadala sa gobyerno sa ngalan ng mga supplier o empleyado.

Ayon pa sa BIR, ang 1% na withholding tax ay hindi kokolektahin.

“If the annual total gross remittances to an online seller for the past taxable year has not exceeded P500,000 and if the cumulative gross remittances to an online seller in a taxable year has not yet exceeded P500,000,” ayon sa BIR.

Tinukoy ng BIR ang “gross remittances” bilang kabuuang halaga na natanggap ng isang e-marketplace operator o digital financial services provider mula sa isang mamimili o consumer para sa mga produkto at serbisyo na ibinebenta o binayaran sa nagbebenta o merchant sa pamamagitan ng platform ng e-marketplace operator.

Samantala, ang RMC No. 79-2024 ay nagbigay ng karagdagang 90 araw o hanggang Oktubre 12, 2024 para sa mga digital financial services provider na kumpletuhin ang kani-kanilang system adjustments para makasunod sa RR No. 16-2023.

Sinabi ng BIR na ang ginawang pagpapalawig ay para lamang sa digital financial services providers.

Nangatwiran ang BIR na sa paglaganap ng mga online sales transaction sa pamamagitan ng mga ng mga online platform provider, mayroong pangangailangan na samantalahin ang pagkakataon na kilalanin ang mga nagbebenta ng mga kalakal at serbisyo na, samakatuwid, ay obligadong ipahayag ang kanilang kita mula sa mga transaksyon para sa tax purposes. JAY Reyes

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here