MANILA, Philippines- Sinabi ng Commission on Human Rights (CHR) nitong Huwebes na iniimbestigahan nito ang pagpaslang sa mga lokal na opisyal at isang kandidato para sa 2025 midterm elections sa Zamboanga del Sur at Maguindanao.
Iniulat ng CHR nitong Miyerkules na dalawang konsehal ang patay sa pamamaril sa Zamboanga del Sur noong January 3 at 4.
Samantala, isang barangay chairman sa Maguindanao del Sur ang patay din sa pamamaril noong Jan.3.
Sa Midsayap, Cotabato, nasawi ang isang kandidato sa pagka-konsehal sa ambush habang pauwi sa kanyang tahanan sakay ng motorsiklo noong Jan. 18. Ang biktima, residente ng Maguindanao del Norte, ay dati ring chairman at kagawad ng Barangay Paulino Labio.
Inaalam na ng mga awtoridad kung may kinalaman ang politika sa mga krimen.
“We denounce similar incidents which violate the most fundamental of all rights—the right to life—this time affecting public officials and candidates as we approach the 2025 National and Local Elections,” pahayag ng CHR.
“The Commission expresses its utmost concern on the recurring reports of local officials being attacked and killed, as these undermine the integrity and effectiveness of public service and cultivates a culture of fear and violence in communities,” dagdag nito.
Nagsimula ang election period began noong January 12 habang kasado ang eleksyon sa May 12. RNT/SA