Home NATIONWIDE Pagpatay sa opisyal ng PPA sa Palawan iniimbestigahan na

Pagpatay sa opisyal ng PPA sa Palawan iniimbestigahan na

269
0

MANILA, Philippines – Sinabi ng Philippine National Police nitong Biyernes, Setyembre 19 na iniimbestigahan na nito ang pagpatay sa opisyal ng Philippine Ports Authority (PPA) na si Atty. Joshua Abrina.

Si Abrina ay itinumba sa labas ng kanyang bahay sa Puerto Pricesa City, Palawan ngayong linggo.

Batay sa inisyal na ulat, kababalik lamang ni Abrina mula sa prayer meeting kasama ang kanyang pamilya nang barilin ito ng hindi pa tukoy na gunman sa labas ng kanyang bahay bandang 8:15 ng gabi nitong Miyerkules.

Agad na isinugod sa ospital ang biktima ngunit idineklarang dead on arrival.

Kinondena ni Acting PNP Chief LtGen. Jose Melencio Nartatez Jr. ang “senseless act of violence” laban sa port official.

“Justice must be served and as such, I have already ordered the Director, CIDG to create a special investigating team to identify, arrest and file airtight cases against those involved in the soonest possible time,” ani Nartatez.

“Lahat ng posibleng motibo ay ating titingnan upang mapanagot kung sino man ang sangkot sa krimeng ito. Layunin nating mabigyan ng hustisya ang biktima pati na rin ang kanyang pamilya,” dagdag pa niya.

Nanawagan si Nartatez sa publiko na makipagtulungan sa mga awtoridad at magbigay ng anumang impormasyon na makatutulong sa pagresolba sa kaso. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here