Home NATIONWIDE Pagpatay sa tribal chieftain sa Maguindanao pinatatalupan ni Legarda sa Senado

Pagpatay sa tribal chieftain sa Maguindanao pinatatalupan ni Legarda sa Senado

MANILA, Philippines- Naghain ng isang resolusyon si Senador Loren Legarda na naglalayong paimbestigahan sa Senado ang sunod-sunod na karahasan sa Maguindanao na pinakahuli ang pagpatay kay Teduray-Lambangian tribal chieftain Fernando Promboy sa Maguindanao del Sur nitong Pebrero.

Sinabi Legarda sa Senate Resolution No. 1239 na natagpuan ang pugot na ulo ng biktima malapit sa isang water reservoir sa Maguindanao del Sur noong Pebrero 19, 2025.

Binanggit din ni Legarda ang datos mula sa Timuay Justice and Governance (TJG) and Climate Conflict Action (CCAA) na nakapagdokumento ng 84 NMIP killings mula 2014 hanggang 2024, kabilang ang 12 leaders, pitong kabataan at walong kababaihan.

Sinabi pa ni Legarda na 36 NMIP killings naman ang naitala ng Police Regional Office Bangsamoro Autonomous Region (PRO-BAR) sa naturang panahon.

Tinukoy din ng senador ang datos mula sa Commission on Human Rights sa 2024 Situation report na nakapagtala ng 65 kalalakihan, pitong kababaihan at pitong kabataan ang naging biktima sa pagitan ng 2018 hanggang 2024.

“These significant discrepancies among the records highlight the urgent need for independent validation, comprehensive investigation, and reinforced protection measures to hold perpetrators accountable while safeguarding NMIPs from further risks, threats, endangerment, and violence,” ani Legarda.

Sa kanyang resolusyon, hiniling ni Legarda na suriin ang lawak ng hamon na kinahaharap ng NMIPs sa BARMM, kabilang ang ilang hadlang sa pagkamit ng katarungan, kakapusan ng umiiral na protection programs, at pangangailangan na higit na palakasin ang legal and policy interventions upang matiyak na mailahok ang NMIPs sa peace and development agenda ng Bangsamoro region at mas malawak na national framework.

“Beyond ensuring accountability for specific incidents of violence, there is a pressing need to reinforce the rule of law and establish clear, enforceable mechanisms that safeguard the rights and security of NMIPs without exacerbating tensions or exposing communities to further vulnerabilities,” ayon kay Legarda. Ernie Reyes