Home NATIONWIDE PBBM sa LGUs: Sapat ang suporta, resources para sa child development centers...

PBBM sa LGUs: Sapat ang suporta, resources para sa child development centers tiyakin

MANILA, Philippines- Inatasan ni Pangulong Ferdinand ‘Marcos Jr. ang local government units na tiyakin na sapat ang suporta at resources na ipagkakaloob para sa pagtatatag ng child development centers sa low-income areas.

Sa naging talumpati ni Pangulong Marcos sa isinagawang ceremonial signing ng joint circular sa pagitan ng Department of Education at Department of Budget and Management sa pagtatatag ng child development centers (CDCs) sa mga kulang sa serbisyo na mga komunidad, sinabi nitong, ”To our LGUs, we need your full commitment to ensure the success of the project. You must provide our childhood development teachers and workers with the support and resources that they need while encouraging our community members to take an active role in the CDCs.”

Inihayag pa ng Pangulo na natukoy ng mga kinauukulang ahensya ang kabuuang 328 low-income barangay, na mabibigyan ng pondo upang sa gayon ay magkaroon ang mga ito ng access sa early childhood development initiatives.

Sa naturang bilang, 89 sa Luzon, 106 sa Visayas, at 133 sa Mindanao.

Tinuran pa ng Chief Executve na hanggang Marso ngayong taon, may 3,800 barangay sa bansa ang walang CDCs.

”Too many children do not have the structured care that they need in their formative years. These challenges have been accumulating for the past 30 years cannot be solved overnight. But, that doesn’t mean we shouldn’t begin,” ang sinabi ni Pangulong Marcos.

Bago pa ang ceremonial signing, nagkaroon naman ng pagkakataon si Pangulong Marcos na magbasa ng libro sa mga batang may edad na tatlo hanggang limang taong gulang sa loob ng Palasyo ng Malakanyang. Dinala rin ng Pangulo ang kanyang dalawang aso para makalaro ng mga bata.

Ang nasabing joint circular ay magbibigay ng malinaw na patakaran para sa mga local government units na magtatag ng CDCs na may suporta sa pagpopondo mula sa Local Government Support Fund – Financial Assistance to LGUs.

Layon nito na tugunan ang puwang na natukoy ng EDCOM II Year 2 Report, na isiniwalat ang limitadong limited access sa early learning facilities, partikular na sa low-income areas. Kris Jose