Home HOME BANNER STORY Pagproseso ng immigrant visas ng 75 bansa, inihinto ng US

Pagproseso ng immigrant visas ng 75 bansa, inihinto ng US

233
0

MANILA, Philippines – Ipinahinto ng pamahalaang U.S. ang pagproseso ng immigrant visas para sa aplikante mula sa 75 bansa simula Enero 21, ayon sa isang tagapagsalita ng State Department nitong Miyerkules, bilang bahagi ng umiigting na kampanya ng administrasyong Trump laban sa imigrasyon.

Hindi naman ito makakaapekto sa visitor visas.

Kabilang sa mga apektadong bansa ang Somalia, Iran, Russia, Afghanistan, Nigeria, Yemen, Thailand, at Brazil. Ayon sa memo na unang iniulat ng Fox News, inutusan ang mga embahada ng U.S. na tanggihan ang mga visa alinsunod sa umiiral na batas habang nire-review ang kanilang mga pamamaraan.

“The State Department will pause immigrant visa processing from 75 countries whose migrants take welfare from the American people at unacceptable rates,” ayon sa departamento sa X. “The freeze will remain active until the U.S. can ensure that new immigrants will not extract wealth from the American people.”

Mula nang muling manungkulan noong Enero, mariing pinatupad ni Pangulong Donald Trump ang mahigpit na immigration enforcement, nagpadala ng mga pederal na ahente sa malalaking lungsod, at tinanggal na ang mahigit 100,000 visa.

Pinahigpit din ng administrasyon ang mga patakaran sa visa, kabilang ang mas mahigpit na pagsusuri sa social media at pinalawak na screening.

Noong Nobyembre, nangako si Trump na “permanently pause” ang migrasyon mula sa lahat ng “Third World Countries” matapos ang pamamaril malapit sa White House ng isang Afghan national na pumatay sa isang miyembro ng National Guard. Dave Baluyot

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here