Home TOP STORIES Kontrobersiya sa DOH, binatikos ng Kilusang Bagong Pilipinas

Kontrobersiya sa DOH, binatikos ng Kilusang Bagong Pilipinas

201
0

MANILA, Philippines — Binatikos ng Kilusang Bagong Pilipinas para kay Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr ang umano’y patuloy na kontrobersiya na kinasasangkutan ni Health Secretary Ted Herbosa sa Department of Health (DOH).

Sa isang open manifesto, iginiit ng grupo na nananatili umano sa puwesto si Herbosa dahil sa koneksyon sa mga makapangyarihang personalidad, kabilang umano ang negosyanteng si Enrique Razon, sa kabila ng mga reklamo laban sa kanya.

Ayon sa grupo, hindi maalis ng suporta ng mga “backer” ang mga alegasyon ng katiwalian at abuso sa kapangyarihan, at hindi dapat ipagtanggol ang opisyal na nakaaapekto sa imahe ng Pangulo.

Sa manifesto, binanggit ng grupo ang umano’y paggamit ng P98 milyong pondo ng DOH para sa self-promotion, pamamahagi ng P44.6 milyon sa psychiatric drugs sa hindi lisensyadong organisasyon, P1.29 bilyong pondo na walang malinaw na liquidation, reshuffle ng mga tauhan, panghihimasok sa procurement, at P1.8 bilyong mobile clinic deal na kinukwestiyon.

Nanawagan ang Kilusang Bagong Pilipinas na huwag isugal ang kalusugan ng publiko at iginiit na hindi dapat gawing eksperimento ang DOH. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here