Home NATIONWIDE Pagsasabatas ng Islamic Burial Law ikinalugod ng Kamara

Pagsasabatas ng Islamic Burial Law ikinalugod ng Kamara

MANILA, Philippines – Pinuri ni House Speaker Martin Romualdez ang pagsasabatas ng Republic Act No. 12160 o Philippine Islamic Burial Act na patunay ng pagtupad ng gobyerno sa pangakong dignidad, inklusibidad, at respeto sa pananampalataya.

“This law is a quiet but powerful affirmation that the Filipino government listens, understands and acts. With RA 12160, we are proving that governance is not merely about passing policies; it is about honoring people’s faith, their identity and their traditions, even in their final hours,”pahayag ni Romualdez.

Ang Philippine Islamic Burial Act na pinirmahan ni Pangulong Bongbong Marcos jlnoomg Abril 11 at naipasok sa Official Gazette noong Abril 21 ay magbibigay daan upang mailibing ang mga labi nasawing ng mga Muslim sa loob ng 24 oras, alinsunod sa kaugalian at ritwal ng relihiyong Islam.

Ani Romualdez na sa bisa ng nasabing batas ay matutugunan ang matagal nang suliranin ng mga Pilipinong Muslim patungkol sa kanilang Islamic burial rites.

“This measure uplifts our Muslim brothers and sisters who, for years, have struggled to uphold a basic tenet of their faith in the face of red tape and costly logistics. Now, we correct that with compassion and resolve,” ani Romualdez.

Sa ilalim ng nasabing batas ay inaatasan ang Department of Health (DOH) na bumuo ng mga alituntunin upang matiyak ang agarang paglabas ng mga labi ng mga Muslim mula sa mga ospital habang ang Department of the Interior and Local Government (DILG) ay aatasan ang mga LGU upang magtalaga ng angkop na libingan sa kanilang mga nasasakupan at tiyakin ang pagkakaroon ng transportasyon kung kinakailangan.

Ang National Commission on Muslim Filipinos (NCMF) ay magkakaroon din ng mahalagang papel sa pagtitiyak ng tapat na pagsunod sa mga ritwal ng Islam. Gail Mendoza