Home HOME BANNER STORY P20 per kilo na bigas ibinibenta na sa Visayas – DA

P20 per kilo na bigas ibinibenta na sa Visayas – DA

MANILA, Philippines – MABIBILI na ng P20 kada kilo ang bigas na sisimulan ang implementasyon sa Visayas.

Ito ang inanunsyo ni Department of Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel Jr. matapos ang closed-door meeting kasama si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. at ang 12 Visayas governors sa Cebu Provincial Capitol.

Sinabi ni Tiu Laurel na nais ni Pangulong Marcos na ang programang ito na ipatutupad sa iba’t ibang bahagi ng bansa ay magiging pangmatagalan.

”The President has actually given the directive, initially itong programa ng DA was supposed to last until December, pwede pa stretch ‘yan until February. But our President has given the directive to the Department of Agriculture to formulate this to be sustainable and ituloy-tuloy hanggang 2028,” ang sinabi ni Tiu Laurel sa press conference.

Ang Kalihim ay kasama ngayon ni Pangulong Marcos sa Cebu City, kung saan dumalo ang Chief Executive sa isang closed door meeting kasama ang 12 visayas governors, sa Cebu provincial capitol.

“So ito may dalawang template, isang 5 kilos per week per family and another one is 10 kilos per week. So kanina sa ngayon parang napagkasunduan in essence is 10 kilos per week, so 40 kilos per month.”ayon kay Tiu Laurel.

Pinag-usapan sa pulong ang inisyal na implementasyon ng kaniyang pangako noong 2022 elections na maibaba sa bente pesos ang presyo ng bigas.

Sinasabing matagal nang umaasa si Pangulong Marcos na matutupad nito ang kanyang campaign promise na bawasan ang presyo ng bigas ng hanggang P20 kada kilo. Kris Jose