Home NATIONWIDE Pagsawata sa illegal POGO ops ginarantiya ng Malakanyang

Pagsawata sa illegal POGO ops ginarantiya ng Malakanyang

MANILA, Philippines- Nangako ang Malacañang nitong Huwebes na ipagpapatuloy ang paglaban sa illegal Philippine Offshore Gaming Operators (POGOs), ilan sa mga ito ang tuloy pa rin ang operasyon sa kabila ng pagbabawal ng administrasyong Marcos.

“Makikipag-ugnayan po tayo sa ating mga ahensiya na dapat na tumugis kung mayroon pa pong mga POGOs dito na siyang nagtatrabaho, nag-o-operate nang walang lisensya. Obligasyon po ng gobyerno na tugisin ang mga ito dahil sila po ay iligal. Makakaasa po kayo ng mabilisang aksyon dito,” pahayag ni Palace Press Officer Undersecretary Claire Castro sa isang press briefing.

Ito ay sa gitna paglalahad ni Senate Deputy Minority Leader Risa Hontiveros ng pagkabahala nitong Miyerkules sa bagong human trafficking “modus” na posibleng may kaugnayan sa POGO operations.

Giit niya, posibleng nasa bansa pa ang POGO bosses at pinangangasiwaan ang paglipat ng POGO operations sa mas maliliit na guerilla-like operations.

Matatandaang ipinag-utos ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa kanyang State of the Nation Address (SONA) noong July ng nakaraang taon, ang pagbabawal sa POGOs sa pagtatapos ng 2024, binanggit ang “grave abuse” at “disrespect” ng sektor sa sistema at mga batas ng bansa. RNT/SA