Home METRO Pagsubaybay sa populasyon ng tamaraw sa Mindoro, sinimulan na

Pagsubaybay sa populasyon ng tamaraw sa Mindoro, sinimulan na

109
0

MINDORO, Philippines – Sinimulan na noong Lunes sa Mt. Iglit–Baco Natural Park ang taunang bilang ng populasyon ng critically endangered na tamaraw (Bubalus mindorensis), gamit ang pinalawak na monitoring system upang mas mapataas ang katumpakan ng datos.

Ayon kay Efren Delos L. Reyes, officer-in-charge ng Provincial Environment and Natural Resources Office at head ng Tamaraw Conservation Program Office (TCPO), nagsimula ang proseso sa orientation noong Abril 13, kasunod ang pag-akyat ng mga field team sa iba’t ibang vantage points.

“The count will begin on Wednesday afternoon. Last year’s estimated count was 380,” ani Reyes.

Sa 2026 survey, magsasagawa ng walong monitoring sessions kada araw sa 19 na observation points.

Gagamit din ng tatlong scientific methods: Dung Transect Count, Intensive Concentration Count o Simultaneous Multiple Vantage Point Count (ICC/SMVPC), at Double Observer Point Count (DOPC) na tatagal hanggang Abril 28.

Ayon sa DENR at TCPO, pagsasamahin ang resulta ng lahat ng method para mas mabawasan ang error at mapabuti ang accuracy ng bilang.

Inaasahang ilalabas ang final results sa ikalawang linggo ng Mayo.

Ang Mt. Iglit–Baco Natural Park ay tahanan ng humigit-kumulang 80% ng natitirang ligaw na tamaraw sa bansa. Sa mga nakaraang taon, tinatayang nasa 300 hanggang mahigit 500 ang populasyon nito, na mas mababa kumpara sa humigit-kumulang 10,000 noong 1960s.

Nanatiling “Critically Endangered” ang tamaraw dahil sa poaching, pagkawala ng tirahan, at illegal land clearing, kaya patuloy ang mas mahigpit na konserbasyon at monitoring ng gobyerno. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here