Home HOME BANNER STORY PSA, target makapag-deliver ng 12M pang National ID ngayong taon

PSA, target makapag-deliver ng 12M pang National ID ngayong taon

100
0

MANILA, Philippines – Nangako ang Philippine Statistics Authority (PSA) na makakapaglabas pa ng 12 milyong National ID cards ngayong taon.

Sa pagdinig ng Senate committee on social justice, welfare, and rural development, sinabi ni PSA Division Chief Ma. Fides Wilma Marquez na ang 12 milyong ID ay dagdag sa 55 milyong naipamahagi na at 49,475,605 na paper-format IDs na naibigay na rin.

Ayon pa sa kanya, may 90,488,679 digital national IDs na “ready for access.”

Ipinunto ni Senador Erwin Tulfo kung bakit may paper IDs pa, at paliwanag ng PSA ay dahil sa printing issues, ngunit tiniyak nilang lahat ay makakatanggap ng physical card.

“But we assure that everyone po will receive their physical cards,” ani Marquez.

“We commit to deliver an additional, initially 12 million cards for this year,” dagdag niya.

Ikinabahala naman ni Tulfo na hanggang ngayon ay hindi pa niya natatanggap ang kanyang National ID kahit ilang beses na siyang nagparehistro.

Ipinaliwanag ng PSA na maaaring gamitin ang digital National ID sa EGOV.PH app bilang pansamantalang solusyon.

Gayunman, hindi pa rin makapagbigay ng eksaktong petsa ang PSA kung kailan matatanggap ng lahat ng Pilipino ang kanilang National ID, at sinabi lamang na tuloy-tuloy ang registration.

Ayon sa PSA, umaabot sa 112,727,776 ang populasyon ng Pilipinas batay sa 2024 Census. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here