MANILA, Philippines – Palalakasin ng bagong pirmang Maritime Zones Act at Archipelagic Sea Lanes Act ang pamahalaan na epektibo nitong maipatupad ang maritime laws at igiit ang hurisdiksyon sa kabila ng mga tensyon sa West Philippine Sea, sinabi ni National Security Adviser Eduardo Año nitong Sabado, Nobyembre 9.
“These laws empower us to govern our maritime zones effectively, while promoting lawful and peaceful maritime activities,” saad sa pahayag ni Año.
Aniya, ang pagpirma ng dalawang bagong batas ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ay nagmarka sa isang
“pivotal moment in fortifying our maritime sovereignty and securing our national interests.”
Sinabi rin nito na ang dalawang batas ay ayon sa international law at batay sa karapatan at obligasyon ng Pilipinas sa ilalim ng United Nations Convention on the Law of the Sea (UNCLOS).
Ani Año, ang mga batas na ito ay nagbibigay ng
“clear and robust legal framework to protect and manage our maritime resources and entitlements, ensuring their sustainable use for the benefit of the Filipino people.”
“In doing so, it further strengthens our legal standing in line with the 2016 Arbitral Ruling and international norms. Equally important is the Philippine Archipelagic Sea Lanes Act, which enables us to regulate the passage of foreign vessels and aircraft within our archipelagic waters,” dagdag pa ni Año.
Matatandaan na sa hakbang na ito ay ipinatawag ng China ang ambassador ng Pilipinas.
Ayon sa foreign ministry ng China, ang Maritime Zones law ay “illegally includes most of China’s Huangyan Island and Nansha Islands and related maritime areas in the Philippines’ maritime zones.”
Ang mga batas na ito umano ay “serious infringement” ng claims nito sa pinag-aagawang mga lugar. RNT/JGC