Home NATIONWIDE Pagsusulong ng GCC sa pangangalaga sa food security, supply chains suportado ng...

Pagsusulong ng GCC sa pangangalaga sa food security, supply chains suportado ng Pilipinas

115
0

MANILA, Philippines – SUPORTADO ng Pilipinas ang ‘international efforts’ para pangalagaan ang global food security at supply chains kasunod ng kamakailan lamang na pagpupulong kasama ang envoys mula sa apat na Gulf Cooperation Council (GCC) states sa Italy.

Sa isang kalatas, sinabi ito ni Philippine Ambassador to Italy Neil Imperial, nagsilbi bilang Permanent Representative to the Food and Agriculture Organization (FAO) ng bansa, nang ang mga diplomats mula sa United Arab Emirates, Bahrain, Saudi Arabia at Kuwait ay nag-courtesy call sa Philippine Embassy noong Abril 14.

Sa nasabing pulong, nagpahayag ng pagkabahala ang Gulf envoys sa far-reaching consequences dahil sa nagpapatuloy na labanan sa Gitnang Silangan, nagbabala sa epekto na lumagpas na sa rehiyon.

Tinukoy ng mga ito ang disruptions sa critical supply chains, kabilang na ang ‘energy, fertilizers at mahalagang industrial gases gaya ng helium.

Ani Imperial, ipinaabot niya ang suporta ng Maynila sa pagsusulong ng mga GCC states na tugunan ang mga hamon kasama ang mandato ng FAO.

Winika pa ni Imperial na patuloy na nahaharap ang Pilipinas sa food security challenges. Sa katunayan, dahil sa laban sa Gitnang Silangan ay lumala ang epekto sa fertilizer availability at patuloy na tumataas na presyo ng pagkain.

Tinukoy nito ang halaga ng fuel na grabe ang pagtaas sa agricultural operational costs at consumer prices.

Samantala, kasama sa miting sina UAE Ambassador Abdulla Ali Ateeq AlSubousi, Bahrain Ambassador Ausama Alabsi, Saudi Arabia Ambassador Raed bin Mohammed Al Thukair at Kuwait Ambassador Yousef Juhail. KRIS JOSE

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here