Home NATIONWIDE Pagtaas ng election-related violence naobserbahan sa BARMM

Pagtaas ng election-related violence naobserbahan sa BARMM

MANILA, Philippines- Sinabi ng Commission on Elections (Comelec) Biyernes, Peb. 28, na nagkaroon ng pagtaas sa karahasan na may kaugnayan sa halalan sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM).

Partikular na sinabi ni Comelec Chairman George Garcia na nagkaroon ng “spike” sa karahasan sa rehiyon, lalo na sa Maguindanao at Cotabato, sa kabila ng pagkakasuspinde ng Bangsamoro election.

Noong Lunes, Pebrero 24, nasugatan si Datu Piang, Maguindanao del Sur Vice Mayor Datu Omar Samama, na naghahangad na muling mahalal, matapos siyang barilin sa isang programa sa Barangay Magaslong.

Samantala, sinabi ni Garcia na hindi sinusubaybayan ng Comelec ang anumang kaugnay nakarahasan sa Luzon.

Sa ngayon, mayroong 38 “areas of concern ” sa ilalim ng pulang kategorya—o ang mga may seryosong armadong banta at may kasaysayan ng mga insidenteng nauugnay sa halalan.

Umaasa si Garcia na wala namang malalagay sa Comelec control na kahit anong oras. Jocelyn Tabangcura-Domenden