Home NATIONWIDE Higit 100K illegal campaign materials binaklas ng Comelec

Higit 100K illegal campaign materials binaklas ng Comelec

MANILA, Philippines- Bilang bahagi ng pinaigting na crackdown laban sa mga illegal campaign materials ng national candidates, sinabi ng Commission on Elections na mahigit 100,000 ang kanilang tinanggal.

Nitong Pebrero 28, kabuuang 124,365 poster ang naalis, ayon kay Comelec Chairman George Erwin Garcia, na inihayag ang datos na ito sa regular na buwanang briefing ng poll body para sa mga election watchdog at practitioners.

Sinabi rin ni Garcia na nakapag-isyu na rin sila ng 2,463 na ‘notice to remove’ documents na nag-uutos sa senatorial at party-list candidates na tanggalin ang kanilang campaign materials.

Higit sa kalahati sa kanila o 1,561 ang nakatalima sa 72 oras na deadline para alisin ang kanilang campaign materials, ayon kay Garcia.

Hinikayat ni Garcia ang mga kandidato na sumunod sa kautusan ng komisyon upang maiwasang magkaproblema.

Aniya, kapag natanggap ang notice to remove ay dapat tanggalin na ang kanilang campaign materials.

Ayon pa sa opisyal, napakahirap para sa isang kandidato na may pending election offense sa Comelec na binanggit na naresolba ng poll body ang unprecedented number ng election cases sa ilalim ng kanyang termino na 84 porsyento.

Umaasa si Garcia na hindi na madaragdagan ang kaso. Jocelyn Tabangcura-Domenden