Home TOP STORIES Tulong sa magsasaka, food security titiyakin ni Pacquiao

Tulong sa magsasaka, food security titiyakin ni Pacquiao

145
0

Idinetalye ng mga miyembro ng administration-backed senatorial slate na Alyansa Para sa Bagong Pilipinas noong Biyernes ang kanilang mga panukala para matulungan ang mga magsasaka, mapababa ang presyo ng mga pagkain at gawing food self-sufficient ang Pilipinas.

Ayon kay Senador Manny Pacquiao, ma-regulate ang produksyon ng pagkain upang maiwasan ang pagmanipula sa mga presyo nito.

Current Time 0:21
/
Duration 0:45
“Kailangan talaga ma-manage nang husto ‘yung agriculture, ‘yung mga basic commodities na araw-araw na pangangailangan ng tao dahil ang nakikinabang halos diyan ‘yong mga middleman,” sabi ni Pacquiao sa isang press conference.

“Dapat i-regulate ng ating gobyerno ‘yung pag-release ng basic commodities sa market at dapat bibilihin ng gobyerno. Magkakaroon ng concrete program ang ating government na bilhin ‘yong mga products ng mga farmers para hindi sila mag-worry at ma-encourage pa sila,” dagdag pa niya.

Sinabi naman ni dating Senate President Tito Sotto na dapat bilhin ng pamahalaan ang 50 porsyento ng mga produksyon ng mga magsasaka at mga mangingisda sa presyong hindi talo ang mga ito.

“Sapul na sapul ‘yon sa number one programa namin pagdating sa food security.

“Government must buy 50 percent of all the outputs of all farmers and fisher folk in the country at their farmgate price. Doon, kahit sinong magsasaka ang kausapin mo ‘pag sinabi mo ‘yan hindi maaaring hindi matuwa. Pinag-aralan namin ‘yan,” sabi nito. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here