MANILA, Philippines- Nasa 793 na kwalipikadong persons deprived of liberty (PDLs) ang napalaya na ng Bureau of Corrections (BuCor) mula Jan. 31 hanggang Feb. 28.
Dahil dito, umaabot na sa 19,740 ang kabuuang bilang ang nakalaya na sa ilalim ng Marcos administration.
Pinangunahan ni Justice Secretary Jesus Crispin Remulla at BuCor Director General Gregorio Catapang Jr. ang culmination activity sa 182 na pinalaya na PDLs sa BuCor headquarters sa Muntinlupa City kahapon (Feb 28).
“Aside from the DOJ’s commitment to deliver real justice for all in real time, morality and conscience dictates that it is incumbent upon this government to ensure that this justice we are upholding is also compassionate and humane in the highest degree,” ani Remulla sa kanyang talumpati.
Hinikayat ng kalihim ang mga PDLs na gamitin ang lahat ng kanilang natutunan upang maging maging isang produktibong miyembro ng kanilang komunidad.
“Patunayan po natin sa ating komunidad, sa mga tao sa labas, ang tao pwede magbago,” dagdag ni Remulla. Teresa Tavares