Home NATIONWIDE Pagtapyas sa bilang PNP generals irerekomenda ng DILG

Pagtapyas sa bilang PNP generals irerekomenda ng DILG

139
0

MANILA, Philippines- Irerekomenda ng Department of Interior and Local Government (DILG) na tapyasan ang bilang ng police generals mula sa mahigit 130 sa 25 na lamang.

Sa press briefing sa Malakanyang, sinabi ni DILG Secretary Jonvic Remulla na ang pagbabawas sa bilang ng “top-heavy” police organization ay kabilang sa prayoridad ng kanyang liderato sa DILG.

”That’s my plan… It’s still a plan, that’s one of my recommendations, to flatten the organization,” ang sinabi ni Remulla.

”There are a lot of generals without commands. Mayroon tayong APC, area police commands, na wala naman tao sa ilalim nila. So marami tayong lugar na redundancies na kailangan i-trim down. It’s a 32-year-old law na kailangan bisitahin ulit,” dagdag niya.

Nauna rito, nanawagan si PNP Chief Gen. Rommel Francisco Marbil sa mga mambabatas na amyendahan ang Republic Act 6975 o ang batas na nagtatag sa Philippine National Police noong 1991.

Binigyan-diin ni Gen. Marbil ang pangangailangan na muling suriin at i-restructure ang PNP upang magkaroon ng mas “streamlined structure” para sa mas mabilis na paggawa ng desisyon, lalo na sa emergencies.

Ayon sa kanya, ang kasalukuyan hierarchical system ang madalas na nagpapabagal sa kanilang desisyon partikular sa mga kritikal na sitwasyon.

Kapag na-decentralize ang PNP, magbibigay ito ng kapangyarihan sa mga mababang ranggong opisyal na gumawa ng “localized decisions” na inaasahang magpapabilis sa kanilang operational efficiency at makatutulong sa pag-iwas sa delays.

Kinakailangan din aniyang masolusyunan ang kakulangan ng bilang sa kanilang hanay.

Noong itatag ang PNP, mayroon lamang itong150,000 na tauhan, na hindi na sapat upang matugunan ang kasalukuyang pangangailangan para sa kaligtasan ng publiko at pag-iwas sa krimen. Kris Jose

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here