MANILA, Philippines- Sinabi ng Philippine Coast Guard (PCG) na 3,418 pasahero, truck drivers, at cargo helpers ang stranded sa 34 pantalan sa Luzon at Visayas hanggang nitong Martes ng umaga dahil sa epekto ni Tropical Storm Kristine (international name: Trami).
Sa kabuuan, 162 indibidwal ang stranded sa iba’t ibang Southern Tagalog ports, 1,229 sa Bicol, at 2,027 sa Eastern Visayas, batay sa ulat ng PCG mula sa impormasyong nakalap mula hatinggabi hanggang alas-4 ng madaling araw nitong Martes, Oktubre 22.
Lumakas si Kristine bilang tropical storm nitong Martes ng umagda, dahilan upang itaas ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration ang Tropical Cyclone Wind Signal No. 1 sa mahigit 24 lugar sa buong bansa.
Matatagpuan ito 390 km east ng Virac, Catanduanes, na may maximum sustained winds na 65 kph at gustiness hanggang 80 kph. Kumikilos ito pa-kanluran sa bilis na 15 kph. RNT/SA