Home ENTERTAINMENT Cristy, olat sa kaso vs Sharon-Kiko!

Cristy, olat sa kaso vs Sharon-Kiko!

Manila, Philippines – Talo si Cristy Fermin sa kasong libel na inihain ng mag-asawang Sharon Cuneta at Francis Pangilinan.

Limang counts ito ng libel filed noong May 10 ng kasalukuyang taon.

Hindi kasama ang dalawang co-anchors ni Cristy sa programa niyang Cristy Ferminute na sina Romel Tsika at Wendell Alvarez.

Pinagbasehan ng piskalya ng Makati City ang mga naiulat ni Cristy na–KC Ayaw na ng Drama, Diary nina Sharon at Kris: Social Media, Sharon at KC Sayang na Relasyon, among others.

Cristy and her lawyer Atty. Shirley Tabangcura maintained na mga publikong pigura si Sharon at ang mister nito bilang depensa.

Sa kabila ng pagkatalo, nilinaw ni Cristy na tuloy pa rin daw ang laban.

Dadaan pa kasi ang kaso sa RTC, na maaaring umakyat sa appelate court at kung hindi pa mareresolba’y aabot pa sa Supreme Court.

Matatandaang ilang araw lang ang nakakaraan ay ibinalita ni Cristy sa kanyang radio program na ibinasura ng korte ang kasong cyberlibel na isinampa ni Esther Lahbati, ina ni Sarah.

Consistent na giit ni Cristy, lahat naman aniya ng mga kaganapan sa kanyang trabaho bilang mamamahayag–malungkot man o masaya–ay ipinaaalam niya sa kanyang mga tagasubaybay. Ronnie Carrasco III