Home NATIONWIDE Pagtataas ng gastos sa konstruksyon ng Kaliwa Dam aprubado ng NEDA Board

Pagtataas ng gastos sa konstruksyon ng Kaliwa Dam aprubado ng NEDA Board

MANILA, Philippines – Inaprubahan ng National Economic and Development Authority (NEDA) Board, na pinangungunahan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ang adjustment sa gastusin sa konstruksyon ng Kaliwa Dam.

Sa pahayag nitong Huwebes, Abril 24, sinabi ng Department of Economy, Planning, and Development (DEPDev) (formerly NEDA) na ang NEDA Board, sa final meeting nito bago ang pagpapalit sa Economy and Development (ED) Council noong Abril 23, ay nagbigay ng pahintulot sa hiling ng Metropolitan Waterworks and Sewerage System (MWSS) na taasan ang total project cost, pagpapalit sa project scope, at extension ng loan validity at implementation period para sa New Centennial Water Source o Kaliwa Dam project.

Dahil dito ay umakyat sa P15.3 bilyon ang halaga ng proyekto mula sa dating P12.20 bilyon.

Hanggang noong Disyembre 2024, nasa 24.8% na ng physical construction ng dam ang nakumpleto.

Ang Kaliwa Dam ay idinisenyo para magbigay ng karagdagang 600 million liters ng raw water araw-araw.

Inaasahang makikinabang dito ang mga residente ng National Capital Region, Rizal at Cavite.

Ang konstruksyon ay isinasagawa ng China Energy Engineering Corporation sa pamamagitan ng official development assistance loan na $211.414 million na pinirmahan ng pamahalaan ng Pilipinas at China noong 2018.

Nasa 85% ng proyekto ang popondohan ng Chinese loan, habang ang nalalabing 15% ay popondohan ng MWSS. RNT/JGC