Home NATIONWIDE Pagtitiyak ng Comelec na aaksyunan mga vote-buying complaint, pinuri ng solon

Pagtitiyak ng Comelec na aaksyunan mga vote-buying complaint, pinuri ng solon

MANILA, Philippines – Habang papalapit ang halalan sa Mayo 12 at dumarami ang mga reklamo ng vote-buying, pinuri ni Pangasinan Rep. Marlyn Primicias-Agabas ang Commission on Elections (Comelec) sa pagbibigay nito ng katiyakan na aaksyunan ang mga naturang reklamo laban sa ilang mga kandidato.

Ayon kay Agabas, mahalaga ang pagtutok ng Comelec sa mga kaso ng vote-buying, lalo na ngayong tumitindi ang mga ulat hinggil dito.

Kasabay nito, nanawagan din ang mambabatas sa Comelec at sa Philippine National Police (PNP) na agad na magsagawa ng mga pag-aresto sa mga indibidwal na sangkot sa vote-buying.

“This is a crucial first step. But what the public needs now is visible enforcement,” ani Agabas. “The credibility of the May 12 elections depends on whether the law is enforced,” dagdag pa niya.

Binigyang-diin ni Agabas na ngayong papalapit na ang araw ng botohan, higit na kailangan ang mga proactive measures, partikular na ang police visibility sa mga lugar na kilala sa talamak na aktibidad ng pamimili ng boto.

“Prompt action is essential to maintain public trust in the electoral process and ensure a fair and credible outcome,” paliwanag ni Agabas.

Una nang lumiham si Agabas noong Abril 29 kina Comelec Chairman George Garcia at PNP Chief Rommel Marbil upang ipagbigay-alam ang umano’y coordinated vote-buying operations sa lalawigan ng Pangasinan.

Ayon sa kanyang liham, itinuturing nang “open secret” sa lugar ang pamimili ng boto, kung saan umaabot sa ₱3,000 ang ibinibigay sa mga botante.

“The COMELEC, together with the PNP, are in the best position to use their resources and intelligence network to motu proprio conduct their own investigation and take action. It is at this juncture that I believe higher authorities should step in, considering that persons with lower pay grades are understandably reluctant to act, given that a high-ranking official is behind all these,” saad sa kanyang liham.

Ilang lider ng simbahan at relihiyosong grupo sa Pangasinan ang una na ring nanawagan sa mga awtoridad na aksyunan ang talamak na vote-buying sa lalawigan. Gail Mendoza