Home NATIONWIDE Pagtupad sa ‘utos’ ni Pope Francis na proteksyon ng pamilya ginarantiya ni...

Pagtupad sa ‘utos’ ni Pope Francis na proteksyon ng pamilya ginarantiya ni Zubiri

MANILA, Philippines- Nangako si dating Senate president Juan Miguel “Migz” Zubiri na kanyang tutuparin ang “kautusan” ni Pope Francis na protektahan ang pamilyang Pilipino sa gitna ng lumalakas na panawagan sa pagsasabatas ng diborsyo sa Pilipinas.

Nakatakdang isailalim sa deliberasyon ang panukalang gawing legal ang diborsyo sa Pilipinas kumpara sa annulment of marriage na magastos na gusto ng ilang senador tulad ni Senate President Francis “Chiz” Escudero.

“Pope Francis asked me to please protect the family, and this is an order that I will take to heart,” ayon kay Zubiri.

Nagtungo si Zubiri sa Vatican City at nakipagkita kay Pope Francis nitong Hunyo 5.

“We prayed for our beloved country and for our leaders to always find discernment and to do what is right, even when it is not popular,” ayon kay Zubiri, isang devout Catholic Christian, na dumalo sa lingguhang catechesis at panalangin ni Pope para sa world peace.

Ayon kay Zubiri bukas siya sa diskusyon pero tumindig sa paniniwala na sagrado at hindi dapat malusaw ang kasal.

Tanging ang Pilipinas sa buong mundo bukod sa Vatican ang hindi pa nagkakaroon ng batas sa diborsyo. Aprubado na sa Kamara ang panukalang Legalisasyon ng diborsyo.

Nakipagkita si Zubiri kay Pope kasama ang pamilya nito saka tumanggap ng personal na pagpapala ng Papa.

“Meeting our Santo Papa, Lolo Kiko, as a Catholic and a Christian, was the greatest honor of my life, especially since I got to bring my kids along,” ayon kay Zubiri.

Nagtungo si Zubiri kasama ang pamilya sa Europe upang magpahinga sa pamamagitan ng maikling sabbatical leave na malayo sa politiko at tuparin ang “long-promised quality time” sa pamilya.

“This is the first time in two years that I have been able to give my family my undivided attention, and so I really wanted to take them away for some family time – all on my personal expense, of course,” wika ng senador.

“Our Catholic faith is so important to our family, so it was very humbling to have the Pope give us so much of his time and attention. He seemed especially fond of our youngest boy, and even asked him to learn Spanish,” giit pa niya.

Ayon kay Zubiri, ipinaliwanag niya kay Pope Francis na isa siyang pro-life at pro-family na mambabatas mula sa Pilipinas kaya’t tumugon ang Papa sa pamamagitan ng utos na “please protect the family.”

“Lolo Kiko is so special to us Filipinos, and I got the feeling that he holds us in a special place in his heart and his prayers as well, as one of the most devoutly Catholic nations in the world,” ayon kay Zubiri.

“I am always going to remember his reminder, and I am going to do my best to protect the family values that hold our nation together,” aniya. Ernie Reyes