Home OPINION PAGYAMANIN ANG WPS

PAGYAMANIN ANG WPS

DATI ang West Philippine Sea ay isang malawak na “common fishing ground”, malaya ang lahat nang napabibilang sa  rehiyon ng Asya at karatig coastal areas nito na makapangisda sa karagatang ito.

Ngayon, tila umaapela pa tayo na  payagang makapangisda rito. At naghahangad na sana bumalik ang gaya nang dati.

At ngayon nga, parang may nabubuong tensyon, dahil sa pagkaganid ng ilan. ‘Di ba pwedeng pag-usapan na lang o idaan sa isang upuan ang hindi pagkakaintindihan sa isyung ito?

Kung ligalidad lamang nga ang punto, malaki ang sa atin. Dahil sa pabor na desisyon nating nakuha na Arbitral Ruling noong 2016.

Hindi rin naman natin dapat paghatitian ang yaman ng karagatan. Dapat nga ay alagaan pa nating lahat ang mga likas yamang naninirahan sa karagatang ito.

Eh kaso hindi nga eh, may mga ganid talaga sa mundo.Walang pakundangang sinisira ang tinatawag na ‘biodiversity’, na kung tayo o ang ating mga mangingisda ang tatanungin, ay talaga namang pinapahalagahan ang likas na yamang ito sa WPS.

Di nga ba, kapag nakahuhuli tayo ng mga ‘di dapat na hinuhuling lamang-dagat ay ibinabalik ng ating mga mangingisda ang mga ito sa karagatan? Ang kaso, ang iba, pagkahuli nito, ay ninenegosyo o pinagkakitaan pa.

Tumbukin ko na, ang may gawaing ganyan. Walang iba kundi ang mga ganid na “Tsekwa” na bukod sa inaangkin ang halos buong karagatan sa Asia ay sinisira pa ito.

Basta ang lahat ng daanan ng kanilang mga barko na parte ng karagatan ay nasisira dahil sa mga ganid na ito.’Di na nila iniisip ang kapakanan hindi lamang ng laman ng dagat, kundi ang mga susunod pang mga henerasyon.

Ganyan ang ganid, di ba? Sarili lang iniiisip. …….na n’yo mga Tsekwa. Tubuan sana ng mga kaliskis at buntot ang inyong mga katawan sa pagiging kawatan ninyo sa karagatan.

Alam n’yo ba ang panganib na naka-abang dito? Sa mga pinaggagawang ito nang pagsira sa karagatan, literal na mag-iiba ang ihip ng alon. At kung ito ay mangyari, sana ang matataas o kakaibang alon ng dagat ay sa mga Tsekwa na pumunta.