Home METRO Pagyanig sa Taal Volcano tumagal ng 10 oras

Pagyanig sa Taal Volcano tumagal ng 10 oras

205
0

MANNILA, Philippines – Isang volcanic tremor ang naitala noong Sabado sa Taal Volcano sa Batangas, na tumagal ng 10 oras at 30 minuto, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) noong Linggo.

Gayunman, iginiit ni PHIVOLCS Director Dr. Teresito Bacolcol na tila mas kalmado ang Bulkang Taal noong Linggo ng umaga kumpara sa mga nakaraang araw dahil wala itong phreatic o phreatomagmatic eruption sa nakalipas na 24 na oras.

“For the past 24 hours, wala po tayong volcanic earthquake na naitala sa Taal Volcano and nasa Alert Level 1 pa rin ang Taal Volcano,” aniya sa isang interbyu.

Sa kabila nito, sinabi ng Bacolcol na maaaring mangyari pa rin ang phreatic eruption o phreatomagmatic eruption sa Taal Volcano, kaya ipinagbabawal ang pagpasok sa Taal Volcano Island—na itinuturing na Permanent Danger Zone. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here