MANILA, Philippines- Ang Inter-Agency Maritime Operation (IAMO) na isinagawa ng mga awtoridad ng Pilipinas sa Pag-asa Cay 1, Cay 2, at Cay 3 at kanilang nakapaligid na katubigan ay nagpapawalang-bisa sa pag-aangkin ng China na nakuha nito ang kontrol sa Sandy Cay (Tiexian Reef), sinabi ng isang opisyal ng Philippine Coast Guard (PCG) nitong Lunes, Abril 28.
Nauna rito, ipinaliwanag ng National Task Force West Philippine Sea (NTF-WPS) na pinalalakas ng IAMO ang routine at legal na paggamit ng mga awtoridad sa Pilipinas ng kamalayan at hurisdiksyon ng maritime domain sa WPS.
Sinabi ni PCG spokesperson for the West Philippine Sea Commodore Jay Tarriela na ang pag-alis ng Philippine Navy, Phlippine Coast Guard at Philippine National Police-Maritime Group na pumunta sa Pag-asa Cay 1, 2 at cay 3 na may dala-dalang bandila ng Pilipinas ay malinaw na ebidensya na ang ganitong naratibo ng China ay nilayon lamang na kontrahin ang ating makatotohanang salaysay.
Sa kanyang panig, pinaalalahanan ni National Security Council Assistant Director General Jonathan Malaya ang Tsina sa pangako nito sa 2022 Declaration on the Conduct of Parties sa South China Sea.
Hiniling din ni Malaya sa China na tigilan ang lahat na mapanghamong aktibidad sa West Philippine Sea. Jocelyn Tabangcura-Domenden