Home METRO Pahinante utas, driver sugatan sa pagkahulog ng delivery van sa bangin sa...

Pahinante utas, driver sugatan sa pagkahulog ng delivery van sa bangin sa NE

2
0

NUEVA ECIJA, Philippines – Patay ang isang 29-anyos na pahinante, habang sugatan naman ang driver at isa pang pahinante makaraang mahulog sa bangin ang kanilang sinasakyang delivery van sa Sitio San Magitel, Barangay Cadaclan, Pantabangan, Nueva Ecija, kamakalawa ng madaling araw.

Sa report ni P/Cpt. Noel Villajuan, hepe ng Pantabangan Police Station kay Col. Ritchie Claravall, director ng Nueva Ecija Police Provincial Office, kinilala ang biktimang namatay na si Dominic Isidro, residente ng Brgy. Bantug, Guimba, Nueva Ecija.

Sugatan naman ang driver na si Roberto Nopal, 33, residente ng Brgy. Banitan at isa pang helper na si Lemuel Llapitan, 34, residente naman ng Brgy. Sta. Ana, Guimba.

Base sa imbestigasyon, bandang alas-4:30 ng madaling araw, tinatahak ng delivery van ang kurbadang bahagi ng kalsada patungo sa Baler, Aurora para ideliber ang mga kargang sako-sakong feeds nang mawalan ng kontrol ang driver sa manibela.

Bumaliktas ang delivery van na silver Isuzu Forward Truck, may plakang CAY 9137, hanggang sa mahulog sa bangin at bumagsak sa gilid ng ilog.

Sa taas ng binagsakan ay halos magkahiwa-hiwalay ang deliber van.

Agad namang isinugod sa malapit na ospital ang mga biktima pero sa kasawiang palad ay ideneklarang patay ang helper na si isidro. (MARINA BERNARDINO-SY)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here