Home ENTERTAINMENT Painting ni Heart, nasa Rolex na rin!

Painting ni Heart, nasa Rolex na rin!

Manila, Philippines – Talagang ibang klase ang mga milestone sa buhay ni Heart Evangelista.

Bukod-tanging siya lang ang yata ang local celebrity who’s wearing many hats.

Hindi lingid sa kaalaman ng publiko that Heart’s passion also includes painting.

She gets commissioned to do painting sa mga signature bags tulad ng Hermes ng mga kapwa niya kasamahan sa industriya.

And you’ll be amazed dahil nakarating mismo ang kanyang paintings sa dial ng Rolex day-date watch.

Maging si Heart ay nagulat kaya ipinost niya ito sa kanyang Instagram account.

We all know that Rolex is a pricey watch not everybody can afford to buy.

At kung customized ang relo na ‘yon with Heart’s painting on it, aber, doble ba ang presyo nito?

Nakakaaliw nga ang mga comments ng netizens.

Since can’t afford nga nila ang Rolex, meron daw bang “Ritemed” version nito, meaning, abot-kaya ang halaga?

Another netizen is quick to admit na hanggang Casio watch lang ang afford niyang bilhin.

Who among our wealthy local celebrities will make a purchase of Rolex watch na may painting si Heart sa dial nito?

Ikaw na talaga, Mrs. Escudero! Ronnie Carrasco III

Previous articlePAGASA: Summer season simula na!
Next articlePH-Japan-US trilateral talks umarangkada